Kung may hirap may ginhawa ito ay gaya lamang sa pagkain ng nilagang itlog.Di pwedeng kainin ang itlog habang ito ay may balat "ang hirap diba?"kaya kailangan mo muna itong balatan.Sa pagbalat, kailangan mo muna ng pwersa para ipukpok sa lamesa ang itlog para ma crack."may presure o pwersang kailangan....may hirap pa rin"Pagkatapos ma crack ay unti unti mo munang tatalupan ang itlog ng dahan dahan."kaunting hirap na lang na may kasamang kasiyahan ang iyung mararamdaman."Pagkatapos mabalatan,iyung nanamnamin at kakanin ang nilagang itlog."Diba masarap sa kabila ng hirap sa pagbalat ng itlog!
Sa larangan ng buhay mapa estudyante,guro o anumang uring manggagawa ka sa mundong ito...maging halimbawa ka sa nilagang itlog.May pangarap ka ba sa buhay? magplano ka! kung baga sa itlog maglaga ka.Gawin mo o isakatupan mo ang iyong pangarap ng may sakripsiyo,hirap at pagtitiis at kung makasagupa ka ng pressure sa buhay alang alang sa iyung pangarap dapat magkaroon ka ng lakas ng loob at tiwala sa iyung sarili.Sa mga estudyante malimit nangyayari yan.Eksamen na sa iskul pero wala kang pangmatrikula.Ang hirap diba? pero dahil sa iyung pagtitiyaga at tiwala sa sarili unti unti mong nalalampasan ang ganitong sitwasyon sa buhay mo.gaya ng sa itlog,unti unti mo na syang natatalupan at nakikita mo na ang iyung mga pangarap.At di maglalaon makakapagtapos ka ng iyung pag aaral.Diba ang sarap ng pakiramdam!handa ka na ngayon harapin at namanmin ang tamis ng iyung tagumpay at handa mo narin kainin ang masarap na nilagang itlog.ditolangyansapinas.

No comments:
Post a Comment