Hay naku dito talaga sa Pilipinas hindi mo alam kung may pagpapahalaga sa oras.Meron siguro pero mabibilang mo sa daliri......eto ang kwento ko.
Recognition ng bunso kong anak sa elementarya dito sa Cavite,ang paaralan ay itago natin sa katagang LDES.Alas quatro raw ang simula kaya naman ang bunso ko ay atubili sa pagaayos sa sarili at higit sa lahat eto ang kanyang moment dahil sasabitan siya ng ribbon para sa ikalawang karangalan sa baitang 3.Dumating kami ng alas tres y media sa paaralan ....biruin mo alas quatro kinse doon pa lang sila nag aayos na gagamitin kaya ang siste halos alas cinco na nagsimula ang proper recognition.
Unang tinawag ang mga pararangalan sa grade 6 na halos abutin ng isang oras at pagkatapos ay sumunod ang grade 1 na inabot din ng ganoon oras.Pagkatapos nito ay may intermisyon pa ng ilang piling mag aaral.
Sumunod ang grade 5 at dito na nagsimula ang aberya dahil pagabi na kaya ang mga bata ay halos pagod na at nahuhulas na ang mga make up sa mukha at maaaninag mo rin sa mukha ng mga magulang sa pagkadismaya.Sa tindi ng aberya,nag back out ang mga grade 2 kinuha na lamang ang kini kanilang ribbon sa mga titsers at umuwi na.Kawawang mga bata.
Nais ko na ring umuwi subalit nais ng bunso ko na umakyat sa entablado kaya nagpasensiya na lang ako dahil ayaw kong mawala ang saya sa mukha ng anak kahit halata na ang pagod,pawis at wala ng make up sa mukha.Eto kasi ang moment niya.
Nang magsimulang tawagin ang grade 3 halos kami nalang ang naiiwan sa upuan kasama ang grade 4 na huling tatawagin.Walang audience dahil nagsiuwian na...gabi na eh.Pati kamo ang vice mayor at ibang guess nagsiuwian na maliban na lang sa huling dumating na councilor ng bayang ito.Huli kasi siyang dumating eh siguro nahiya kung uuwi rin siya ng mas maaga.
Nakakabwisit talaga ang mga pamunuan nitong school na ito na hindi alam magplano ng tamang oras.Kaya hayun na booo sila ng mga magulang at maging ibang mga guro naburyong na rin.Ano ba naman principal ka.Hindi mo ba alam na maraming section ang bawat baitang at iyong isinet ang oras sa alas quatro?
Gabi ng matapos...pero hindi kami masaya dahil sa aberya.
Payo sa mga namumuno sa mga schools.Kayo ang mga guro at ehemple sa mga mag aaral dapat marunong kayong magpahalaga at magplano sa ORAS.Hindi tayo aasenso niyan hoy....
Kung sabagay ditolangyansapinas.

No comments:
Post a Comment